OCTA: BBM, VP Duterte, kuha ang mayorya ng suporta ng mga Pilipino

Nakakuha ng mataas na suporta sina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte mula sa mayorya ng mga Pilipino.

Sa bagong ‘Tugon ng Masa’ survey ng OCTA Research, lumabas na mayroong 86% na trust rating ang Pangulo; at 78% naman na approval rating.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Tanging 4% lamang ang nagsabing wala silang tiwala sa Pangulo; habang 4% din ang hindi ‘satisfied’ sa kaniyang pamumuno.

Nakuha ni Marcos ang pinakamataas na trust rating sa Mindanao sa 92%; habang pinakamababa naman sa Metro Manila na mayroong 82%.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Nakakuha naman ni Vice President Duterte ng 86% na trust rating; at 80% na approval rating.

Isinagawa ang OCTA survey mula October 23 hanggang 27 sa 1,200 adult respondents.
#