NSA Carlos, tuloy ang panawagang idaan sa diplomasya ang sigalot sa WPS

Nanindigan si National Security Adviser Clarita Carlos na diplomasya pa rin ang nararapat na pamamaraan para maresolba ang tensyon sa pagitan ng mga claimants sa South China Sea.

Ito ang ginawang pahayag ni Carlos sa gitna pa rin ng isyu ng umano’y forced retrieval ng Chinese Coast Guard sa kanilang rocket debris sa West Philippine Sea.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Ayon kay Carlos, kay Pangulong Bongbong Marcos na mismo nanggaling na ipagpapatuloy nila ang maayos na dayalogo para maiwasang uminit pa ang sigalot sa mga pinagaagawang teritoryo.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Bago ito, matatandaaang una nang nagpadala ng note verbale ang Philippine Government sa China para pagpaliwanagin sa naturang isyu.
#