ERC, sinuspende ang koleksyon ng FIT-All ng 3-buwan

Sinuspende ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang koleksyon ng Feed-in Tariff Allowance (FIT-All) para sa tatlong billing months sa layuning lumuwag ang pasanin ng mga consumers, sa gitna ng mataas na inflation.

Sa kanilang Resolution No. 12, series of 2022, inaprubahan ng ERC ang suspensyon ng FIT-All collection, simula ngayong Disyembre hanggang sa Prebrero 2023.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Ang FIT-All, ay uniform charge na ipinpatupad sa lahat ng on-grid electricity consumers, at component ng electricity bill, na nagtitiyak sa development at promotion ng renewable energy (RE) sa bansa.

Sinabi rin ng ERC na nireview nila ang FIT-All Fund balance at natukoy na ang kasalukuyang healthy status ay sapat na para masaklaw ang FIT-All payment requirements para sa susunod na tatlong billing months sa harap ng tumataas na level ng inflation at cost of living.

Read More:  Padilla threatens to skip Duterte impeachment trial over Senate voting rule

Samantala, irereview naman ng naturang ahensya sa January 2023 ang status ng FIT-All fund, bago magtapos ang three-month period na suspension order, para matukoy kung kailangan pa ng extension o ibang reliefs para sa mga consumers.