Inaasahang mas bibilis na ang internet ng bansa dahil sa pagpapatupad ng National Broadband Plan (NBP) sa 2023.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sa proposed budget para sa susunod na taon ay naglaan ng P1.5 billion na pondo ang gobyerno para sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang nasabing fund allocation ay parte ng P77 billion institutional amendments na gawa ng mababang kapulungan ng kongresso na dagdagan ang budget para sa education, health, transportation, at social services.
Dagdag ni Romualdez, maituturing nang critical social service ang internet sa panahon ngayon para sa edukasyon, social services, businesses, at sa pang-araw araw na pangangailangan.
#
