Pagpapababa ng tax sa mga itlog na inilalabas sa lalawigan, pinag-aaralan ng SP

Pinag-aaralan ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ang pagpapababa ng tax sa mga itlog na inilalabas sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay First District Board Member Roland Anonuevo, Chairman ng Commitee on Agriculture – napag-usapan na nila na pag-aralan o payagan ang pagpababa ng tax na ipinapatong sa mga itlog na dinadala sa labas ng lalawigan.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Nilinaw din ng opisyal na ang layon lamang ng nasabing paglagay ng tax sa mga itlog ay ang maging priority ang mga Sorsoganon sa mga agrikultural na produkto bago ito ilabas sa ibang lugar at wala nang iba pa.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies