30 kabahayan, naapektuhan ng pagbaha sa Sofronio Española

Naapektuhan ang tinatayang tatlumpong ( 30 ) kabahahayan dahil sa 2.5 talampakan na lalim ng baha sa Barangay Isumbo, Sofronio Española Palawan bandang alas-onse kagabi, ika- 24 ng Nobyembre 2022.

Dahil sa naranasang tuloy-tuloy na pag-ulan ay may isang pamilya na binubuo ng apat na indibidwal ang lumikas patungo sa kanilang kaanak.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Ngayong umaga ay humupa na rin ang baha sa lugar, ayon sa pinakahuling ulat ng PDRRMO.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Kaugnay nito ay patuloy na naka- monitor ang Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee sa mga ilog at maging sa Barangay Panitian, Sofronio Española.