Mga batang may edad 5-11 taong gulang sa Legazpi City, nasa 39% pa lamang ang nababakunahan laban sa COVID-19 – CHO

Inihayag ng Legazpi City Health Office na nasa 39.7% pa lamang ng populasyon ng mga batang may edad 5-11 walong gulang ang nababakunahan laban sa COVID-19 para sa first at second dose.

Sinabi ni Dr. Fullbert Gillego, head ng nasabing opisina, ababot pa lamang sa 7,000 ang nababakunahan sa nabanggit na edad mula sa mahigit 21,000 na populasyon nito.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Aniya, dahilan nito na kaunti lamang ang suplay ng mga bakuna lalo na noong una itong isinagawa para sa mga bata.

Dagdag pa nito, hindi pa naman umano noon nag-uumpisa ang face-to-face classes ng DepEd, kung kaya’t tinuon muna ang pagbababkuna sa mga mall, at private schools.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Sa ngayon ay ginagawa nila umano ang lahat at hindi sila titigil. Katunayan, aniya, ay may mga nakatakda na silang isagawang mga barangay vaccination bago matapos ang taong ito.