DepEd Bicol, tatalima sa utos ni Pangulong Marcos tungkol sa boluntaryong pagsusuot ng face mask ngayong F2F classes

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DEPED) Bicol na sila ay tatalima sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa boluntaryong pagsusuot ng facemasks lalung-lalo na ngayong ipinatupad na ang face-to-face classes.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mark Kevin Arroco, sa pamamagitan ng ammendatory policy mula sa naturang kagawaran tungkol dito ay magiging guided ang mga guro, non-teaching personnels, lalung-lalo na ang mga mag-aaral at mga magulang.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Matatandaang sa inilabas na polisiya ng DepEd, nakasaad na pinahihintulutan ang boluntaryong pagsusuot ng facemasks sa indoor o outdoor na mga lugar maliban sa mga health care facilities, medical, transport vehicles tulad ng mga ambulansya, at mga pampublikong sasakyan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa kabila nito, hinihikayat pa rin naman ni Arroco ang mga mag-aaral na laging gumamit ng face masks, indorr man o outdoor, dahil hindi lamang umano ito proteksyon sa COVID-19 kundi para na rin maiwasan ang iba pang mga sakit tulad ng ubo, sipon na maaaring mauwi sa trangkaso na maaaring makaapekto sa kani-kanilang pag-aaral.