41 kaso ng foot and mouth disease, naitala sa isang paaralan sa Legazpi City; Albay PHO, magsasagawa ng malawakang disinfection

LEGAZPI CITY – Gumagawa na ngayon ng aksyon ang Albay Provincial Health office (PHO) matapos maitala ang 41 kaso ng food and mouth disease (FMD) sa isang paaralan sa lunsod ng Legazpi.

Ayon kay PHO Environmental Sanitation Unit Chief Engr. William Sabater, tumama ang naturang sakit sa ilang mga mag-aaral ng Albay Central School ngayong buwan ng Nobyembre.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Na-trace umano ito ng City Epidemiology Surveillance Unit na kung saan ini-report ito sa kanilang opisina.

Nagsimula umano ito sa isang Grade 1 pupil hanggang sa nagkahawa-hawa na sa isang section.

Sa ngayon, ang mga mag-aaral na positibo sa sakit ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Dahil dito sa pagkalat ng FMD, magsasagawa sila ng disinfection sa buong paaralan dahil posible pa umanong dumami ang mga kaso nito.

Sinabi pa ng opisyal, hindi lamang ito ang unang kasong naitala sa lalawigan dahil nakapagtala rin ang Bagtang Elementary School sa bayan ng Daraga, kung saan sinuspinde ng dalawang linggo ang klase hanggang sa mawala na ang sakit .