Patuloy na paglaki ng lava dome ng Bulkang Mayon, ipinaliwanag ng PHIVOLCS; pinakahuling tala ng lava emmission, inihayag

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng PHIVOLCS ang patuloy na paglaki ng lava dome ng bulkang Mayon, kung saan ito ay naiwan noong taong 2018.

Ayon sa resident volcanologist ng naturang tanggapan na si Dr. Paul Alanis, lumalaki ito hindi dahil sa mayroong bagong magma na umaakyat mula sa ilalim ng bulkan, kundi mayroong mga tectonic activities tulad ng tectonic earthquakes sa paligid nito.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Dagdag pa niya, maaari rin umanong may mga hydrothermal activities na nangangahulugang mayroong tubig na kumukulo sa ilalim na pumipiga sa bulkan upang ilabas ang naiwang magma.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Samantala, inihayag din ni Alanis na ang pinakahuling tala tungkol sa lava na inilalabas ng bulkan ay umabot sa 13,000m3.

Matatandaang nauna na ring ipinahayag ng PHIVOLCS na ito rin ang naitalang lava emission noong Oktubre 4 hanggang Nobyembre 2, at ayon kay Alanis, wala pa namang pagbabago sa kanilang record.