Volcanic earthquake, naitala sa Bulkang Mayon kahapon; PHIVOLCS, inihayag na normal ang kalagayan ng bulkan sa kabila ng mga naitatalang bilang ng pagyanig

LEGAZPI CITY – Isang volcanic earthquake ang naitala kahapon, Nobyembre 14, 2022, sa bulkang Mayon batay sa anunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Inihayag ni PHIVOLCS resident volcanologist, Dr. Paul Karson Alanis, sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na maulap ang kalagayan ng panahon ng kanilang pagmo-monitor kung kaya’t hindi nakitang nagkaroon ito ng crater glow.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kung babalikan, naitala ring nagkaroon ang bulkan ng tatlong volcanic earthquake noong Nobyembre 12, habang ngayong araw ay hindi nakapagtala ng pagyanig ang bulkan.

Sinabi naman ng opisyal na nasa normal ang nasabing bulkan sapagkat mababa pa lamang ang nairerehistrong pagyanig.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Aniya, ang average na record ng mga pagyanig sa bulkan ay mula zero hanggang lima, at magiging “alarming” na kapag lumampas na sa mga bilang na ito.

Samantala, sa ngayon ay wala pang nakikitang indikasyon ang PHIVOLCS upang itaas ang alert level status ng nasabing bulkan.