1.3-milyong residente ng Camarines Sur bakunado VS COVID-19

NAGA CITY- 1,348, 435 na sa 1.4 milyon na target population ang nabakunahan kontra sa COVID-19 sa Camarines Sur base sa huling tala ng Department of Health Bicol.

Ang bilang ay pinaka malaki sa Bicol Region pero  94.49% pa lamang ito ng target. Sa fully vaccinated naman 997, 945 sa 1.2-milyong indibidwal.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pare-pareho na ang problema ng LGU, pahirapan na nag pagbabakuna dahil halos balik, normal na, hindi na rin gaano pinapansin ang COVID-19 at marami rin ang hindi naniniwala.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaya sa Balatan, Camarines Sur nakakatanggap ng bigas mula sa LGU ang nagpapabakuna o kaya ay nagpapasecond dose. Ayon kay Committee on Health Chairman Municipal Councilor Minay Borja, isa ito sa pamamaraan upang makatulong na hindi na muling sumirit ng husto ang COVID-19 cases.