Sari- sari store na magbebenta ng mga expired na produkto pagmumultahin sa isang Barangay sa Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Pagmumultahin  ang mga Sari- sari store na magbebenta ng mga produktong tulad ng mga de lata, de bote, sitserya, biscuits, noodles at iba pa na lagpas na sa expiration date.

Sa bisa ito ng ordinansang ipinasa ng Sangguniang Barangay ng Mocong, Basud Camarines Norte na naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga namamarangay.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa ilalim ng ordinansa, ay bibisitahin ng Kagawad Committee on Health and Sanitation kasama ang Nurse na naka- assign sa barangay, Barangay Health Workers at Tanod ang mga tindahan upang masigurong hindi pa expired ang mga paninda.

Sa unang paglabag ay ipapatawag ang may ari ng tindahan sa Tanggapan ng Punong Barangay para pagpaliwanagin.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa ikalawang paglabag ay papatawan ng multang P300 at P500 naman sa ikatlong paglabag.

Sa ika- apat na pagkakataon ay kakanselahin na ang Business Clearance.

Nasa Sangguniang Bayan na ang ordinansa para sa kaukulang rebyu.