DEPED, kailangan pa ng P419-B para tugunan ang kakulangan ng mga classrooms

Mangangailangan ng 419 billion pesos ang Department of Education para tugunan ang kakulangan ng mga silid aralan sa bansa.

Sa 2019 National School Building Inventory, sinabi ni Senator Pia Cayetano na P419.7 bilyon ang kailangan para matugunan ang kakulangan ng kabuuang 167,901 silid-aralan sa buong bansa.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Samantala, sinabi pa ni Cayetano na 37,796 na silid-aralan ang nasira dahil sa iba’t ibang sakuna mula 2016 hanggang 2022. Sa mga ito, 5,511 ang nasira noong 2022.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Ayon sa senador, kailangan ng DepEd ng P45.7 bilyon para sa pagsasaayos.

Gayunpaman, sinabi naman ni Senator Win Gatchalian na nangangailangan ang DepEd ng P206 bilyon para maayos ang 413,000 silid-aralan na nasira kapwa sa lindol at bagyo. //MHEL PACIA