Russia, nakompleto na ang withdrawal sa Kherson

Inihayag ng Russia’s defense ministry na nakompleto na nila ang withdrawal ng mga tropa sa western bank ng Dnipro river sa southern Kherson region ng Ukraine.

Ayon sa ministry, nailipat na ang lahat ng Russian forces at equipment sa kaliwa o eastern, bank ng Dnipro.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Dagdag pa nito, na walang ni isang unit ng military equipment o armas na naiwan sa right (western) bank at ang lahat ng Russian servicemen ay tumawid na sa left bank.

Wala rin umanong may namatay na personnel o nasirang equipment ng Russia sa kanilang withdrawal.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Noong Miyerkules nang ipag-utos ng Russia ang withdrawal, at sinabing tinapos na nila ang kanilang tangka na mapanatili ang kanilang posisyon at supply troops, kabilang na sa regional capital Kherson. //MHEL PACIA