Ex-BuCor chief Ragos personal na nag-sorry kay De Lima nang magkita sa loob ng RTC

“I am really sorry.”

Ito ang katagang nabanggit ni dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos kay dating Senator Leila de Lima sa isang brief encounter sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) kahapon.

Si Ragos ay testigo laban kay De Lima sa drug charge sa Muntinlupa City RTC, pero kumambyo ito sa kanyang mga naunang pahayag.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Sa pagharap ni Ragos sa korte kahapon, muli nitong iginiit na pinilit siya lagdaan ang inihandang affidavits sa tatlong mga pagkakataon noong 2016 at 2017 para sabihing si De Lima, na dating Justice Secretary ay tumatanggap ng bribe money mula sa mga drug lords sa New Bilibid Prison.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Una nang hinarang ng prosekusyon ang pahayag ni Ragos dahil ito umano ay “untrustworthy”.

Pero ayon sa korte, mas magandang masubukan ang kredibilidad ng testigo at macross-examine ang pagbawi nito sa kanyang mga pahayag.