LPA magpapa-ulan sa Caraga at Davao region

Patuloy na nakakaapekto ang Low Pressure Area na dating bagyong Queennie, sa ilang bahagi ng Mindanao.

Huli itong namataan sa 140 km Southeast ng Davao City.

Dahil dito asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Caraga at Davao Region.

Read More:  Marcos urges Filipinos to protect democracy on Ninoy Aquino Day

Pinag-iingat ang publiko sa posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Read More:  Padilla calls for social media ban on youth amid rising school violence

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot naman ng localized thunderstorms.