Lalaki, arestado sa isinagawang gun buy-bust operation sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Arestado ang 23 anyos na lalaki sa isinagawang gun buy-bust operation sa Purok 3, Canumay St., Brgy. Bagumbayan, lunsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joseph”, residente ng Purok 2, Brgy. Bitano, ng nasabing lungsod.

Read More:  2 NPA members killed, 3 high-powered rifles seized after series of military clashes in Bukidnon

Ayon sa report, nagsagawa ang Legazpi City Police Station ng operasyon sa lugar kung saan positibong kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ng baril ang nagpanggap na otoridad.

Nang magkaabutan na ng nasabing item ay dito na  inaresto ang suspek, kung saan  narekober sa kanya ang isang unit ng Caliber .38 revolver at mayroon ding anim na bala sa na nagkakahalagang P10,000.

Read More:  Former Leyte vice mayor, son found dead; 3 arrested

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.