Mga bumisita sa sementeryo sa Olongapo at ilang bahagi ng Zambales mas konti ngayong taon

Mas konti ang bilang ng mga bumisita sa mga sementeryo sa Olongapo at ilang bahagi ng Zambales ngayong taon.

Kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon bago ang pandemya ay iilan lamang ang mga dumalaw ng maaga pa ngayong undas sa kanilang mga mahal sa buhay.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa mga sementeryong pinuntahan ng BNFM ay kapansin-pansin na hindi gaanong marami ang mga dumalaw kahit pa dalawang taon na hindi pinayagan ang publiko dahil sa mahigpit na restriksyon dulot ng pandemya.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Ayon sa mga otoridad, ito ay posibleng dahil na rin sa hindi magandang panahon pagkatapos ng Bagyong Paeng.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO