Mother tongue subject, may malaking pakinabang sa mga mag-aaral – DepEd Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DepEd) Bicol na malaki umano ang kapakinabangan ng mother tongue bilang asignatura para sa mga mag-aaral ng Grades 1-3.

Sa pahayag ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad sa Brigada News FM Legazpi, dahilan umano nito na galing sa loob ng bahay hanggang sa pagpasok nila sa kanilang paaran ay nagpapatuloy pa ang kanilang pakikipag-usap gamit ang mother tongue o sariling dayalekto.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nilinaw naman ni Sadsad na hindi naman hanggang kolehiyo ang nabanggit na asignatura at hanggang Grades 1-3 lamang ito.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ginagamit umano ang mother tongue sa mga mag-aaral upang mas maintindihan na ang mga tinuturo sa klase, mga pilosopiya at konsepto na hindi pamilyar sa kanila upang maging handa sila oras na tumuntong na sila sa highschool at maging sa kolehiyo.