Kahirapan, hindi dahilan para gumawa ng krimen- PPCPO

Isa umano ang kahirapan ng buhay sa idinadahilan sa pagnanakaw ng kabataang nahuhuli ng pulisya, ayon sa Puerto Princesa City Police Office.

Sa Tira Brigada, inihayag ni PLTCOL. MARK ALLEN B. PALACIO, dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay may nawalan ng trabaho subalit hindi aniya tamang idahilan ito para magnakaw.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Idinagdag ni Palacio na ang ‘Child Offenders’ ay kulang umano sa pag-aaruga ng mga magulang kaya nasasangkot sa hindi magandang gawain.

Ang edad 15 o mababa sa 18 anyos ay maaari nang hulihin at ikulong.

Sa Statistic ng City PNP, ang ilan sa kabataang nakagawa ng krimen ay may magulang din na nakagawa ng labag sa batas.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Naniniwala ang pulisya na mahalaga ang parent and guardian supervision o tamang gabay sa mga bata upang hindi sila maligaw ng landas.

Samantala, patuloy ang City Police Office sa mga programa at dayalogo sa komunidad, paaralan at mga magulang lalo na ang Police Community Affairs Development Unit.