PBBM pinulong ang mga economic managers sa gitna ng patuloy na paghina ng piso

Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa palasyo ng Malakanyang ang kanyang mga economic managers ngayong umaga.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar at ang magkakasunod na oil time price hike.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Una nang sinabi ng Malakanyang na patuloy na sinusunbaybayan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang galaw ng ekonomiya ng bansa.

Magugunitang hinimok ng Philippine Chamber of Commerce and Industry si Marcos na gumawa ng hakbang upang maibsan ang posibleng epekto ng mahinang palitan ng piso.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Samantala pagkatapos ng pulong sa mga economic managers makikipag-usap naman ang Pangulo sa mga opisyal ng Philippine Space Agency ngayong hapon.