Mga mag-aaral sa Buyuan Elem. School at Arimbay High School, sumailalim sa evacuation drill sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Aabot sa 868 na mga mag-aaral ang lumahok sa isinagawang evacuation drill sa lunsod ng Legazpi bilang paghahanda sa posibleng pagsabog ng bulkang Mayon, kung saan pinangunahan ito ng Disaster Risk Reduction and Management ng nasabing paaralan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Kabilang sa mga sumailalim sa nasabing drill ay ang Buyuan Elementary School na may 557 na mga estudyante, habang 311 na mga estudyante naman ang mula sa Arimbay High School Buyuan Campus.

Ang mga nabanggit na paaralan ay nasa loob umano ng 8 kilometers permanent danger zone mula sa bulkan kung kaya’t pinaghahandaan ng mga guro ang posibleng pagputok nito.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Bago sinimulan ang oryentasyon sa bawat silid-aralan, tinuruan muna ang mga ito ng mga dapat gawin sa oras na kinakailangan nang lumikas.