Tourism related establishments mas dumami pa sa Zambales

Mas dumami pa ang mga nagbukas na tourism related establishments ngayon sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay matapos ang ilang taong mahigpit na restriksyon dulot ng covid-19 pandemic.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Maria Mora, noong 2018 hanggang 2019 ay nasa dalawang daan lamang ang mga accommodation establishment sa lalawigan pero ngayong ikatlong kwarter ng taon ay umabot na ito ng halos apat na raan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Isa pang indikasyon na mas lumakas pa ang turismo ng lalawigan ay dahil ilulunsad ng Department of Tourism Region 3 ang bagong Surf and Glamp Adventure Product sa darating na October 19 hanggang 21.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Inaasahan nang mas dadami pa ang mga magiging interesadong bumisita sa probinsya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO