UN General Assembly kinondena ang pag-annex ng Russia sa ilang rehiyon ng Ukraine

Nagkasundo ang mga kinatawan sa United Nations General Assembly na kondenahin ang pag-annex ng Russia sa apat na rehiyon ng Ukraine.

Ang naturang resolusyon ay suportado ng 143 na bansa habang 35 na estado kabilang ang China at India ang nag-abstain.

Read More:  Australia detects first case of H5N1 bird flu

Samantala, kabilang naman sa hindi sumoporta sa resolusyon ang Russia, Belarus, North Korea at Nicaragua.

Ayon sa report, bagamat “symbolic”, ito na ang pinakamataas na botong naitala laban sa Russia mula nang lusubin nito ang Ukraine.

Read More:  Philippines considers expanding oil imports from Russia

Hinihimok sa resolusyon ang international community na huwag kilalanin ang anumang annexation na claim ng Russia kasabay ng panawagan na baliktarin ang anumang idineklara nito sa teritoryo ng Ukraine.