5 kolehiyo sa Bicol, hindi pinayagan ng CHED na magtaas ng tuition

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol na may limang paaralan o kolehiyo ang nagsulat sa kanilang opisina ng letter of intent para sa tuition increase, ngunit hindi pinayagan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Sharie Bailon, education supervisor ng nasabing opisina, hindi naman umano madali at agaran ang kanilang kagustuhan.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Aniya, hindi pa pinapayagang mag-increase ng tuition ang mga ito dahil nangangailangan pa sila ng konsultasyon at approval mula sa mga kinatawan ng paaralan, kasama ng mga estudyante, faculty at mga personahe nito.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Sa ngayon ay may ilan na silang natatanggap na letter of intent for tuition increase mula sa ilang kolehiyo sa rehiyon katulad ng San Jose Community College, Manito Community College at Aroroy Municipal College.