Paglagay ng karagdagang border checkpoint sa Legazpi City, pinaplano na ng City Veterinary Office

LEGAZPI CITY – Pinapainspekyon na sa Livestock Inspector ang lahat ng posibleng daanan ng mga delivery trucks sa mga barangay na hindi dadaan sa quarantine checkpoint na inilatag ng nasabing opisina.

Ayon kay Samar, magkakaroon ngayon ng dagdag na border checkpoint sa oras na matukoy nito ang mga maaaring daanan ng mga trucks na nagde-deliver ng karneng baboy o buhay na baboy na galing sa red zone area.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Aniya, maaaring maglagay ng check-point sa bahagi ng Brgy. Estanza dahil posibleng daanan din ito ng delivery trucks upang makapagbenta ng nasabing hayop.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Sa ngayon, umabot na sa tatlong border checkpoint ang nailatag ng opisina upang hindi na makapagbenta ng mga ito.

Sinabi ng opisyal, magiging mahigpit ang lokal na pamahalaan sa pagbabantay sa checkpoint area upang hindi mapasukan na sakit na ASF.