Mark Magsayo, umalis na kay Freddie Roach

Umalis na si dating WBC world featherweight champion Mark Magsayo kay Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Mababatid na ang 27-anyos na si Magsayo ay nagsimulang magsanay sa Wild Card Gym ni Roach sa California, nang dumatinig ito sa US boxing scene, dalawang taon na ang nakakalipas.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Sa ilalim ni Roach nang maging world champion si Magsayo, nang matalo si Gary Russell Jr. via majority decision noong Enero.

Sa kanyang vlog, inanunsyo ni Magsayo, na excited na umano siyang mag-train sa ilalim ng kanyang bagong head coach.

Read More:  Para swimmer Ariel Joseph Alegarbes secures PH’s second gold in Asian Para Games

Bagama’t hindi nito binunyang ang kanyang bagong team, makikita naman siya sa video na nagsasanay kasama si renowned Filipino boxing coach Marvin Somodio sa Brickhouse Boxing Club.