Dating Legazpi City Airport na gagawing all in one business center, nasa military observation

LEGAZPI CITY – Kasalukuyang nasa military observation ang dating Legazpi City Airport na gagawing all in one business center sa lunsod batay sa pahayag ni Albay Gov. Noel Rosal.

Ayon sa gobernador, dadaan muna ito sa RTC, kung saan nakabilang na ito sa kanilang regional program na tinatawag na Regional Physical Framework Plan.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Sa ngayon ay nakapagsubmit na sila sa national, at ngayong buwan ng Oktubre ay ang pinakaunang Regional Development Council kung saan pag-uusapan din ito dahil ito ang pinakauna nilang agendum.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Umaasa naman ang gobernador na aaprubahan ng pangulo ang proposal o programang ito sa cabinet meeting.