Bilang ng mga namatay sa Tupi accident, nananatili sa 2; monitoring sa mga sugatan, patuloy

KORONADAL CITY — HINDI na nadagdagan pa ang dalawang namatay sa madugong aksidente sa national highway sa bayan ng Tupi, South Cotabato na ikinasugat ng 18 noong Setyembre 23 ng gabi.

Ito ang kinumperma ni Emil Sumagaysay, MDRRMO Officer ng Tupi sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal. Sinabi ni Sumagaysay na patuloy ang kanilang monitoring at evaluation sa mga sugatan sa aksidente.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Sa ngayon, lima na lamang umano ang nananatili sa mga ospital habang nakalabas na ang 13 iba pa.
Lima lamang din umano ang bilang ng mga estudyanteng ng SEAIT na nasangkot sa aksidente.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Dagdag pa ni Sumagaysay na handa ang municipal government at ilang mga government agencies sa pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga namatay at nasugatan sa aksidente.