Barangay officials ng mga lahar-prone, low-lying at high risk areas sa Legazpi City, ipinatawag ng alkalde para sa paghahanda sa bagyong Karding

LEGAZPI CITY – Ipinulong kahapon ng City Government at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Legazpi ang mga barangay officials sa lahar-prone, low-lying, at high risk areas para sa paghahanda sa bagyong Karding.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mayor Geraldine Rosal, sinabi nitong ipinatawag ang naturang mga opisyal ng mga apektadong lugar dahil sa posibleng pagbaha sa lugar kahit hindi naman ito ang centro ng bagyo ngunit maaari pa rin makaranas ng hagupit nito.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Dahil dito, inihahanda ang mga barangay sa possible umanong pagkakaroon ng pag-evacuate ng mga residente lalung-lalo na ang mga nasa tabing ilog.

Pinangangambahan din ng alkalde ang ilang mga barangay tulad ng Maoyod, Tula- tula at iba pang karatig na barangay dahil sa minuto lamang ay mabilis nang tumataas ang tubig; maging ang mga nasa landslide at lahar-prone na mgs barangay tulad ng Buenavista, San Francisco, Bogtong, Padang, at iba.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ipinag-utos na rin sa mga barangay officials na i-monitor ang kanilang barangay sakaling makaranas ng pagbaha sa kanilang lugar.