37 anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation sa lunsod ng Tabaco

LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag pa ang 37 anyos na lalaki matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Tabaco CPS, 2nd Albay PMFC at sa koordinasyon ng PDEA 5 sa P-5, Brgy. San Carlos, Tabaco City, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bro”, residente ng P-2, Brgy. Bombon, ng nasabing lungsod.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ayon sa report, nahuli ang suspek matapos nitong pagbentahan ang nagpanggap na poseur buyer sa lugar.

Nang makatunog ang suspek na ang kanyang katransaksyon ay isa sa mga operatiba ay dito na siya tuluyang inaresto.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Narekober sa kanya ang isang medium heat-sealed plastic sachet na may lamang suspected “shabu” na may timbang na 1.02 gram o mahigit P6K ang halaga.

Si Dollar ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.