Mga colorum na tricycle, hinuli sa Roxas Palawan

Hindi na nakapalag pa ang mga drayber ng nasa labing tatlo mga colorum na tricycle matapos mahuli ng Roxas Municipal Police Station at Traffic Management Office sa Bayan ng Roxas, Palawan.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Sa isinagawang operasyon ay nakitaan ng paglabag ang mga ito dahil sa walang maipakitang prangkisa.

Binigyan na lamang muna sila ng PNP ng konsiderasyon at magsilbing babala muna ito, dahil kapag muling mahuhuli ay tuluyan nang mai-impound ang kanilang mga tricycle.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Ayon naman kay PSSG Arnel Nacional, magpapatuloy ang operasyon ng PNP at TMO sa panghuhuli laban sa mga lumalabag sa batas trapiko kasama na ang mga colorum na namamasada.