Marcos, mayroon nang kinokonsiderang kapalit ni Rodriguez

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na mayroon nang kinokonsidera si Pangulong Bongbong Marcos na kapalit ni Vic Rodriguez na nagbitiw bilang Executive Secretary nito.

Sinabi ni Angeles na bagamat wala pa ring pormal na itinatalagang ‘little president’ si Marcos, mayroon nang mga personalidad itong kino-konsider.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation

Nalagdaan na rin umano nitong weekend ni Marcos ang Adminstrative Order No. 1 kung saan ay itinatalaga si resigned ES Rodriguez bilang bagong Presidential Chief-of-Staff.

Sa kabila nito, hanggang sa ngayon ay wala pa ring nire-release na kopya ng AO no. 1 ang Palasyo.

Read More:  President Marcos receives PLM’s highest honorary degree

Nilinaw naman ni Angeles na ang bagong posisyon na ito ay para sa ‘assistance at coordination’ tasks.

Matatandaang bago pa man kasi mag-resign si Rodriguez, una nang binatikos ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang pagdadagdag ng bagong chief-of-staff posisyon dahil wala naman daw itong magiging trabaho at opisyal na function.
#