Mga ninakawan ng metro ng tubig, pinagsasampa ng kaso ng mga pulis

Hinikayat ng pulisya ang mga ninakawan ng metro ng tubig sa Olongapo na magsampa ng reklamo laban sa isang suspek.

Ito ay kung sakaling makita ng mga biktima na ang lalaking kinasuhan na ng mga pulis at ang nagnakaw sa iba pang mga metro ay iisang tao lang.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Ayon kay Police Station 1 Chief Pcapt.Tyrone Tecson, nasampahan na ng kaso ang lalaking minsan na ding nasangkot sa pagbebenta ng shabu at ngayon ay inakusahang magnanakaw ng metro.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Payo ni Tecson sa mga nabiktima, pumunta sa mga istasyon ng pulis para maireklamo ang suspek para lalong bumigat ang akusasyon laban dito.