Monkeypox case no.3, fully-recovered – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na fully-recovered o gumaling na ang ikatlong Pilipino sa bansa na tinamaan kamakailan ng monkeypox virus.

Sa media briefing, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakumpleto na ng nasabing pasyente ang home isolation noon pang September 8.

Na-discharge na rin aniya ang 17 na mga close contact nito matapos namang makumpleto ang nakalaang quarantine days para sa kanila.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Samantala, sinabi ni Vergeire na na-discharge na rin kahapon mula sa ospital ang ika-apat na monkeypox patient.

Gayunman, magpapatuloy pa rin ang isolation nito sa kanilang bahay na tatagal ng dalawampu’t isang araw.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Tiniyak na Vergeire na patuloy nila itong imo-monitor hanggang sa huling araw ng isolation.

Para naman sa kanyang mga naging close contact, 19 mula 20 rito ay nakumpleto na ang quarantine period at lahat ay pawang asymptomatic.

Samantala, sinabi ni Vergeire na hindi pa rin tiyak sa ngayon kung mayroon nang local transmission ng monkeypox sa bansa.
#