CAMARINES NORTE- Umaabot sa kabuuang 2, 287 na indibidwal sa Camarines Norte ang nabakunahan sa unang linggo ng Setyembre sa Pinaslakas vaccination campaign ng gobyerno.
Batay ito sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center mula September 5- 11.
Ang bayan ng Daet ang may pinakamaraming nabakunahan sa loob ng panahong nabanggit na mayroong 495 na sinusundan ng Labo na may 278 at Mercedes 275.
Nasa 249 naman ang nabakunahan sa Vinzons at 211 sa Sta Elena.
Ang Sta Elena ang pangalawa sa may pinakamababang vaccination coverage sa lalawigan sa pangkalahatan sunod sa Paracale.
Samantala, nakapagbakuna naman ng nasa 156 indibidwal ang Talisay na dinayo maging ang simbahan para sa Pinaslakas campaign.
Sa bayan naman ng Jose Panganiban ay nabakunahan ang 142 indibidwal, Paracale 128, Capalonga 120, San Vicente 97, Basud 72 at San Lorenzo Ruiz 64.
