Panghuhuli ng mga stray dogs sa Surallah, tuloy-tuloy

KORONADAL CITY — NAGPAPATULOY ang ginagawang operation SICPAW sa bayan ng Surallah, South Cotabato para sa mga stray dogs o mga asong gala at asong kalye sa buong bayan.

Ito ang inihayag ni Surallah Mayor Pedro Matinong Jr. sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay Matinong layunin ng nasabing hakbang na mapanatiling ligtas ang publiko laban sa mga digrasya sa daan na kinasasangkutan ng mga aso, sa rabies at iba pa.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Paalala naman ng opisyal sa mga dog owners na maging responsable upang mabawasan ang mga stray dogs sa bayan.

Ang mga mahuhuling stray dogs ay dinadala sa dog impounding facility.