Milyong mga deboto, inaasahan sa Peñafrancia Traslascion Procession ngayong hapon sa Naga City

NAGA CITY- Inaasahang madodoble ang isang milyong mga deboto ni Nuestra Señora De Peñafrancia at El Divino Rostro sas Traslacion Procession ngayong araw sa Naga City, mula sa Bicol at iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ito ay ayon kay Naga City Police Office City Director PCol. Nelson Pacalso. Aniya dalawang taong wala ng taunang prosisyon mula sa Peñafrancia Shrine patungo sa Metropolitan Naga Cathedral kaya siguradong marami ang sabik na muli itong masilayan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nasa 1, 500 ang augmentation force ng PNP Regional Office 5 maliban pa ito sa ibang mga pwersang katuwang ng PNP. Magkakaroon ng random checking ng booster card, ang mga voyador at dadalo ay dapat bakunado ayon sa LGU.

Alas tres mamaya, ilalabas ang mga imahe sa Peñafrancia Shrine.

Pakiusap ng simbahan iwasan ang magpasaway tulad noong bago an pandemya na may mga nag suswimming sa dagat ng voyadores na tumutulak sa andas ng imahen.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa schedule ng simbahan gaganapin ang misa sa Quadricentennial Arch sa Metropolitan Naga Cathedral alas 5:30 mamayang gabi pero dedepende ito sa oras ng pagdating ni Inang Peñafrancia sa simbahan.

Ang Peñafrancia Festival ay ang Biggest Marian devotion sa Asya, fiesta ito hindi lamang ng Naga kundi ng buong Bicolandia.