‘Poblacion Girl’ pinagmulta ng P20K ng korte dahil sa paglabag sa quarantine protocols

Pinagmulta ng P20,000 ng Makati City Prosecutor’s Office si Gwyneth Anne Chua o nakilala bilang “Poblacion Girl” matapos ang viral na pagtakas nito sa isang hotel habang nasa mandatory quarantine protocols noong December 2021.

Bago nito personal na humarap si Chua kay judge Maureen Rubio-Marquez ng Makati City Metropolitan Trial Court Branch 128 ngayong umaga kung saan naghain ito ng guilty plea.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Si Chua ay kinasuhan ng paglabag “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act” matapos itong dumalo sa isang party sa Makati kahit alam nitong may sintomas ng COVID-19 at nasa ilalim ng mandatory quarantine.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Samantala sa kaso naman ng security guard na si Esteban Gatbonton patuloy ang paglilitis dito matapos na maghain ng not guilty flee.

Si Gatbonton na security guard sa Berjaya Hotel ay pinaparatangang kasabwat ni Chua para makalabas ng quarantine facility.