NBI, handang bigyan ng proteksyon si Leobert Dasmariñas

Nakahanda ang National Bureau of Investigation na bigyan ng proteksyon si Leobert Dasmariñas, ang isang suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Ayon kay NBI Special investigator III Cedric Caabay, bukas ang Bureau na gawin ito kung gugustuhin lamang ng pamilya o ni Leobert.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa ngayon, hindi umano maiwasan ni Leobert na makatanggap ng pagbabanta matapos magbanggit ng pangalan na posibleng may kinalaman sa krimen.

Nakapag-usap na aniya si Agent Caabay at NBI Chief na mabigyan ng maayos na seguridad si Dasmariñas basta makikipagtulongan ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaso ng dalaga.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Si Dasmariñas ay nakalaya na kahapon matapos mag- pyansa sa kasong Frustrated Murder.