OWWA Bicol, nangakong babalik para bigyan ng tulong ang mga Filipino crew sa MV Sky Fortune Vessel

LEGAZPI CITY – Nakipag-usap na ang Overseas Workers Welfares Administration (OWWA) Bicol sa walong stranded na Pilipino Crew upang alamin ang kanilang kalagayan o sitwasyon matapos ang pitong buwan nilang paninirahan sa MV Sky Fortune Vessel.

Pinangunahan ni OWWA Bicol OIC Regional Director Jenivie Diaz-Aguallo ang pakikipagpulong sa mga crew upang alamin ang kanilang pangangailangan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon kay Aguallo, nangako silang babalik sa susunod na linggo at magdadala ng maiinom na tubig at iba pang relief items para agad na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ibibigay din ang endorsement sa mga Filipino seafarers sa ilalim ng Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay Program na maaari nilang i-avail sa kani-kanilang rehiyon sa kanilang pagbabalik para sa maximum na tulong pangkabuhayan na P20,000 bawat isa.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Gayundin naman, ipinadala na ng tanggapan sa Manning Agency ang mga kahilingan ng mga Pilipinong marino.

Ang OWWA Bicol ay nasa malapit na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya lalo na ang PCG para ipaabot ang anumang posibleng tulong na kailangan ng mga marino.