DSWD Region 3 naghatid na ng mga pagkain at iba pa sa mga bayan bilang paghahanda sa bagyong Henry at Gardo

Agad na nag-preposition ng mga family food packs at iba pang kagamitan ang Department of Social Welfare and Development Region 3 sa mga bayan sa rehiyon.

Ito ay bilang paghahanda ng kagawaran sa posibleng epekto ng bagyong Henry at Gardo.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Sa Licab at Aliga, Nueva Ecija ay nasa mahigit tatlong daang libong piso ng halaga ng mga goods ang ipinadala.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Gayundin sa Subic, Zambales na kinabibilangan ng mga food packs, sleeping kits at family kits.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DSWD Central Luzon