APEC, humingi na ng tulong sa PNP hinggil sa pangalawang beses na pananabotahe sa pasilidad

LEGAZPI CITY – Nakikipag-ugnayan na ang Albay Power and Energy Corporation (APEC) sa mga otoridad upang maglunsad ng malalim na imbestigasyon higgil sa naganap na pangalawang beses na pananabotahe sa pasilidad nito.

Ayon kay Patricia Gutierrez, tagapagsalita ng nasabing korporasyon,  humingi na ng tulong ang APEC sa Philippine National Police (PNP) upang mabigyan ng parusa ang mga suspek dahil sa perwisyong idinidulot nito.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Aniya, kung mayroon mang issue o galit ang grupo sa korporasyon, maaari namang idaan sa pakikipag-usap.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Dagdag pa nito, hindi lang ang APEC ang kanilang napeperwisyo, kundi maging ang mga konsumodores at commersyo, kung saan dumudulot ito ng patay-sinding linya ng kuryente. Maliban pa rito, nakapaghain na rin ng blotter report ang APEC sa Barangay Hall ng Brgy. Malabog at sa PNP Daraga