State of Calamity at State of Climate Emergency, idineklara sa Masantol, dahil sa pagbaha

Nag deklara na ang bayan ng Masantol ng State of Calamity at State of Climate Emergeny dahil sa nararanasan nilang pagbaha.

Sa panayam kay Masantol Mayor Tonton Bustos, sinabi nitong halos lahat ng barangay sa kanilang bayan ay lubog sa baha.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Apektado ng naturang pag baha ang kabuhayan, ari-arian, pag-aaral ng mga estudyante, maging ang pang araw-araw na buhay ng mga residente.

Umaasa ang alkalde na sa pamamagitan ng deklarasyon ng State of Calamity at State of Climate Emergency, mas mapapadaling matugunan ang problema ng kanilang munisipyo.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa panahon kasi ng State of Emergency, magagamit ng munisipyo ang kanilang quick response fund.

Magiging bukas din ang Calamity loan mula sa SSS, PAGIBIG at GSIS.