Pope Francis, hiniling sa North Korea na imbitahan siyang bumisita

Hiniling ni Pope Francis sa Pyongyang na imbitahan siya sa North Korea, na hindi umano niya palalampasin ang pagkakataon na makadalaw at magtrabaho paa sa kapayapaan.

Ang potential papal visit sa isolated, nuclear-armed country ay una nang lumutang noong 2018 nang pumasok si Seoul’s former president Moon Jae-in sa round of diplomacy kay Pyongyang’s leader Kim Jong Un.

Read More:  One killed, eight injured in attack on Saudi Arabia’s King Fahd airport

Batay kay Moon, na isang katoliko, na sinabi umano sa kanya ni Kim na “enthusiastically” welcome ang pontiff.

Ang tugon naman noong ng Santo Papa, na bukas siyang magpunta kung makatanggap siya ng opisyal na paanyaya.

Read More:  Trump administration revokes over 300,000 US visas amid immigration crackdown

Pero pinutol ng Pyongyang ang kanilang contact sa Seoul kasunod ng pagbagsak ng second summit sa pagitan ni Kim at noo’y US president Donald Trump noong 2019.