9 na healthcare worker sa Puerto Princesa, sapul ng COVID-19

Hindi nakaligtas sa COVID-19 virus at nagkasakit ang siyam na kawani ng incident management team of Puerto Princesa, ayon kay IMT Commander at Asst. Health Officer Dr. Dean Palanca.

Ayon kay Palanca, nitong nakalipas na linggo tinamaan ng COVID-19 ang mga tauhan na pawang mga fully vaccinated na kontra corona virus disease. 

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Idinagdag ni Palanca na ang iba sa kanila ay nagkaroon ng mga mild symptoms.

Dahil dito, paralisado ang isang unit ng IMT dahil naka- isolate ngayon ang mga tinamaan ng sakit.

“Magkakasama po kasi ito sila pero wala pong doctor na kasama dito na nagkasakit, pero kaya nga hindi ibig sabihin na fully vaccinated ka na is hindi ka na magkaka- covid “- Dr. Palanca

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nitong buwan ng Abril at Mayo ngayong taon ay tinamaan din ng Covid-19 ang nasa mahigit sampu na kawani ng IMT.

Samantala, inaasahan na gagaling na agad sa sakit ngayong linggo ang mga ito at makalalabas na din sa Isolation facilities.