9 na bayan sa So.Cot, apektado ng malakas na ulan

KORONADAL CITY- SIYAM na mga bayan at lungsod sa lalawigan ng South Cotabato ang apektado ng malakas na buhos ng ulan kagabi.

Ito ang inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management o PDRRMO-OIC Rolly Aquino batay sa kanilang isinagwang monitoring.

Kabilang sa mga nakaranas ng malakas na ulan ang Koronadal City, Polomolok , Tupi, Tampakan, Lake Sebu, T’Boli, Norala, Sto.Nino at Tantangan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ilan sa mga ito ay binaha na naging dahilan ng pagsira ng mga tulay, daan at mga kabahayan.

Ayon kay Aquino na kanila pang tinitipon ang mga datos at spot report mula sa mga City at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices na siyang nagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pinasiguro naman ng opisyal na handa ang probinsya na magbigay ng assistance sa mga apektong LGU at mga residente.