85-anyos na lolang nakaratay, patay sa sunog sa Atimonan, Quezon

Nasawi ang isang nakaratay na lola matapos sumiklab ang isang sunog sa Barangay Tagbakin, Atimonan, Quezon nitong Huwebes, Enero 26.

Ayon sa report, bandang alas 8:50 ng gabi, mag-isa umano ang biktima na kinilalang si “Wendilena”, 85-anyos, nang sumiklab ang naturang sunog sa kanyang tahanan na gawa umano sa mga light materials.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa tulong ng mga residente sa naturang lugar at ng Bureau of Fire Protection – Atimonan, dakong alas 9:30 ng gabi ay idineklara ng under control ang naturang apoy ngunit wala ng buhay at nasunog na nang matagpuan ang biktima.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa imbestigasyon ng awtoridad, humigit kumulang ₱1,560,000 ang napinsala sa naturang sunog.

Kasalukuyan pang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad para matukoy ang sanhi ng naturang sunog.