823 na mga magsasaka, nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa DA Region 2

Nakatanggap ang nasa 823 na mga magsasaka ng financial assistance mula sa Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 sa Rizal, Cagayan ngayong araw, March 14, 2022.

Katuwang ng kagawaran ang Development Bank of the Philippines at USSC sa pamamahagi ng naturang ayuda na aabot sa 4.1 million pesos para sa mga magsasakang kulang dalawang ektarya ang binubungkal.

Read More:  Fake Pag-IBIG agent arrested in Davao City over ₱1.12-million housing scam

Pinayuhan naman ni DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo ang mga benepisaryo na gamitin ang natanggap na 5,000 pesos bilang pantulong sa kanilang pamilya at sa kanilang sakahan.

Dagdag pa nito na ang nararanasang mga suliranin tulad ng mataas na presyo ng abono at krudo, pagkakaroon ng peste at sakit ng mga tanim at hayop ay epekto ng climate change at iba pa.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Hinikayat din niya ang mga magsasaka na patuloy na suportahan ang mga program ng DA katulad ng Plant, Plant, Plant Program Part 2 at ng mga programa sa ilalim ng OneDA reform agenda.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga magsasaka sa kanilang natanggap na ayuda.